Ang kalsada ng looban ay kasalukuyang inaayos ng tauhan ng Department of Public Work And Highway( DPWH) ito ay proyekto ng ating mahal na Congesswoman Neneng Nicolas DATE STARTED :June 15, 2010 TARGET COMPLETION :September 03, 2010 CONTRACTOR :722 Construction IMPLEMENTING OFFICE :DPWH BUL., 2nd D.E.O SOURCE OF FUND :Lower House FY 2010
ANG PAGTATAPOS
Ang huling sagupaan sa larangan ng basketball ay magaganap na sa darating na sabado ika-22 ng mayo dito sa looban, Limang(5) teams apat(4) ang maiiwan dalawa(2) ang aangat isa(1) lng ang lalaglag, sino ang aangat at sino ang malalaglag? sino ang tunay na mawawagi? matira matibay! wag kayong bibitiw dahil ito na ang LOOBAN YOUTH CLUB BASKETBALL LEAGUE THE FINALS
ANG SIMULA
Ang LOOBAN YOUTH CLUB BASKETBALL LEAGUE ay nagsimula na ngaun ika-02 ng Mayo taong kasalukuyan na binubuo ng OLDIEST, JUNIOR/SENIOR, AT MOSQUITO/MEDGET, Ito ay pinangunahan ni kapitan Boyet Pascual ang ating butihing kapitan ng Loma de gato
Paliga sa looban kasado na!
Malapit ng simulan ang paliga dito sa looban, inaayos at pinapaganda pa muna ang court upang maiwasan ang disgrasya, ang nasabing paliga ay isa lamang sa mga proyekto ng Looban youth club upang mabigyang ng kasiyahan ang mga taga looban1 lalo na ang kabataan sa pangunguna ni Marcelo H. Contreras presidente ng Looban Youth Club
Biglaang Pagpupulong
Ang looban youth club ay biglaang nagpatawag ng pagpupulong sa mga kabataan para sa nalalapit na paliga dito sa looban, napagkasunduan na sama-sama at magtutulungan sa pag-aayos ng court, napagkasunduan din na walo(8) sa isang grupo at magbibigay sila ng t-shirt upang matatakan bilang uniporme nila sa paglalaro ng basketball.